Aklan News
Mag-live-in partner, timbog sa buy-bust operation; Mahigit P400K na hinihinalang shabu, nasamsam


TIMBOG ang mag-live-in partner sa ikinasang drug buy-bust operation sa Sitio Baybay, Barangay Andagao, Kalibo, bandang alas-6 ng gabi ngayong Abril 9.
Kinilala ang mga suspek na sina Juanito Nervar, 46 anyos, at Lilian Niñofranco, 49 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa mga suspek ang sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na mahigit ₱400,000.
Nabilhan ng isang sachet ng suspected shabu ang suspek kapalit ng ₱25,000 marked money. Sa isinagawang body search, nadiskubre pa ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang pouch.
Batay sa impormasyon, dating mga empleyado ng gobyerno sa bayan ng Kalibo ang dalawang suspek.
Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinangunahan ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Aklan kabilang ang Aklan Maritime Police, PDEU Aklan at Kalibo PNP.