Connect with us

Aklan News

Mag-lolo na patawid ng kalsada binangga ng motor; lolo patay, 2 apo sugatan

Published

on

Patay ang isang lolo habang sugatan naman ang dalawang apo nito matapos silang mabangga ng motorsiklo habang tumatawid ng kalsada nitong Miyerkules ng hapon sa Brgy. Buenasuerte, Nabas.

Sinasabing bumili ng street foods ang 83 anyos na lolong biktima kasama ang kanyang pito at apat na taong gulang na mga apo na mga residente ng Buenasuerte, Nabas.

Pagkatapos bumili ay tumawid sila ng kalsada at doon na nasalpok ng motor na minamaneho ng isang 22-anyos anyos na motorista na taga Brgy. Laserna.

Sa lakas ng pagkakabangga, natumba ang tatlong biktima gayundin ang driver ng motor at kapwa nagtamo ng mga pinsala sa katawan at isinugod sa pagamutan.

Napag-alaman na binawian ng buhay ang lolo habang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Kalibo habang naka-hospital arrest naman ang motorista sa Ibajay District Hospital at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.  | with reports from Rhealyn Ortega, Reynald Bandiola