Connect with us

Aklan News

MAGANDANG SERBISYO NG TRANSPORTASYON SA ISLA NG BORACAY, IPINASIGURO NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY

Published

on

IPINASIGURO ng Sangguniang Bayan ng Malay na magandang serbisyong ng transportasyon ang kanilang ibibigay sa mga commuters at mga turistang bibisita sa isla ng Boracay.

Ito ay kasunod ng muling pagbabalik-sigla ng turismo sa isla ngayong nasa new normal na ang lalawigan ng Aklan at ibang lugar sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay SB member Dante Pagsuguiron, sinabi nito na nitong Marso 8 ay nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Malay ng committee hearing hinggil dito.

Aniya, ipinatawag nila ang mga e-tike company supplier upang mapag-usapan at mapag-aralang mabuti ang implementasyon ng e-trike program sa isla.

Saad pa ni Pagsuguiron na simula ng iphase-out ang mga traysikel, halos 30 porsiyento pa lamang ang operational ng e-trike sa Boracay.

Dagdag pa nito na ang pagbibiyahe lamang ng e-tike sa isla ang isa sa mga pinagkakakitaan ng mga residente.

Saad pa ng konsehal na nahihirapan na maka-avail ng mga e-trike ang mga drayber at operators sa isla dahil sa ilang problemang kinakaharap din ng mga e-trike company supplier.

Naiintindihan din aniya nila ang sitwasyon dahil sa pandemya dulot ng COVID-19 kung saan halos lahat ng mga negosyante at trabahador ay apektado kasabay ng pagbagsak ng ating ekonomiya.