Connect with us

Aklan News

Magkakabarkada, binato ng molotov sa New Buswang, Kalibo; isa, sinuntok sa mukha ‎

Published

on

BINATO ng improvised molotov ang magbabarkada habang sinuntok pa ang isang binatilyo matapos magkrus ang landas ng grupo rin ng umano’y mga binatilyo.

‎Nangyari ang insidente bandang ala-1:00 ng madaling-araw ng Hunyo 12, malapit sa covered court ng Barangay New Buswang, Kalibo.

‎Sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng dalawang panig.

‎Sinuntok pa sa mukha ng nakaalitang grupo si alyas Heavy.

‎Rumesbak naman sa lugar ang iba pang kabarkada ni Heavy.

‎Hinagisan pa sila ng improvised Molotov ng kabilang grupo.

‎Narekober naman ng mga otoridad sa lugar ang tatlong improvised molotov at dalawang kutsilyo na umano’y sa kabilang grupo.

‎Samantala, inimbitahan naman sa Kalibo Municipal Police Station ang 10 magbabarkada habang patuloy namang tinutugis pa ang kanilang nakailang grupo.

‎Nagsasagawa pa sa ngayon ng follow-up investigation ang mga kapulisan sa naturang insidente.| Ulat ni Arvin Rompe