Connect with us

Aklan News

MAGKAPATID, ARESTADO DAHIL SA PAG-ISKANDALO AT PANANAKIT NG KAP MEMBER

Published

on

Kalibo – Arestado ang dalawang magkapatid matapos umanong mag-iskandalo at manakit pa KAP o Kalibo Auxiliary Police bandang alas 10:00 kagabi sa Andagao,.Kalibo.

Nakilala ang KAP Member na si Lorenzo Callar, sa legal na edad, ng Poblacion, Kalibo at ang mga naarestong magkapatid na sina Ej Mosquera, 21 anyos at Jovan Mosquera, 23 anyos kapwa residente ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, unang humingi ng police assistance si Eva Mosquera, ina ng magkapatid, dahil binato umano ang kanilang bahay kung saan tinamaan sa ulo ang 12 anyos niyang anak na babae.

Nirespondihan ng mga pulis kasama ang ilang KAP Member ang insidente, subalit naaktuhan umano ng mga ito ang magkapatid na nagwawala sa harap ng bahay ng suspek na itinuturo nilang nambato sa kanila.

Dahil dito, sinaway sila ng mga otoridad subalit sinasabing nanlaban umano ang mga ito at sinuntok pa umano ni Ej ang KAP na si Lorenzo sa kanyang bunganga habang hinampas din umano ito ni Jovan sa ulo ng dala niyang baton.

Kaagad na inaaresto ang magkapatid na sinasabing kapwa nasa impluwensiya ng alak, habang kaagad ding ginamot sa ospital ang KAP member.

Inihahanda naman ngayon ng Kalibo PNP ang kasong Alarm and Scandal, Direct Assault to Agent of Person in Authority at Resisting Arrest na isasampa nila sa magkapatid.

Kauganya pa nito, tumanggi namang magbigay ng pahayag ng magkapatid nang subukang kapanayamin ng Radyo Todo.

Samantala, dahil sa nangyari, minarapat namang ipagkatiwala ng kanilang ina sa hustisya ng barangay ang reklamo nila sa nambatong kapit-bahay, para sa karampatang disposisyon.
Aa