Aklan News
Magkapatid na itinuturing na mastermind sa pagbaril-patay kay Armando Gumban sa Brgy. Polocate, Banga, nilinaw ang kanilang pangalan sa Radyo Todo
Nilinaw ng magkapatid na itinuturing na mastermind sa pagbaril-patay kay Armando Gumban alyas Bonjing noong Setyembre sa Polocate, Banga na wala silang kinalaman sa pagbaril-patay kay Ace Gumban kagabi, Nobyembre a-24.
Personal na nagtungo sa istasyon ng Radyo Todo ang magkapatid matapos na mabalitaan na iniuugnay na naman ang kanilang pangalan sa nangyari pagbaril-patay sa nakababatang Gumban kagabi.
Ayon sa magkapatid, wala silang kinamalan sa nangyari at nagulat na lamang sila na sinampahan sila ng kaso sa nangyari sa matandang Gumban.
Saad pa ng dalawa, wala silang problema sa sinasabing lupa na umano’y pinagmulan ng kanilang problema dahil nahati na ito sa magkakapatid.
Paglilinaw pa nila na wala silang away kaugnay nito.
Aminado naman ang panganay sa magkakapatid na nagkaroon sila ng argumento ni Bonjing Gumban noon pero hindi sila humantong sa pisikalan.
“Owa man kami sir kasayod karaon. Gulpi eang kami nga nakibot nga ginapasakaan kami it kaso. Owa ta kami it paghisayud karon ag ro eugta ngaron nga ginahambae nanda nga dahiklan hay owa ta kami it problema karon. Hahueay eot-a it mag-maeanghod it eksakto. Ag owa ta kami it away karon. Nagkaroon it diskusyon pero owa magsaeakitan,” pahayag ng isa sa mga itinuturong mastermind.
Dagdag pa nito na masyadong maliit lamang ang sinasabing lupa na halos 200 sqm lamang ang sukat na sapat pagtayuan ng isang bahay lamang.
Anila pa, natatakot na rin sila para sa kanilang seguridad dahil sila ang pinag bibintangan kung saan nakatanggap na sila ng sub-poena mula sa piskalya.
Nakapagsumite na rin anila sila ng kanilang sagot hinggil dito.