Connect with us

Aklan News

Magpinsan nagsaksakan, kapwa isinugod sa ospital

Published

on

Pareho ngayong nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital ang magpinsan sa Brgy. Carugdog, Lezo matapos na magsaksakan sa labas ng isang lamay.

Kinilala ang biktimang si Julius Laurente, 30 anyos at ang suspek na si Wilfredo Bercaso Jr., sa legal na edad at kapwa mga taga Carugdog.

Batay sa pulisya, nangyari ang insidente kaninang madaling araw habang magkasamang nag-iinuman ang dalawa.

Panay umano ang alis ng suspek habang nag-iinuman.

Sumingit pa umano ito sa kanilang pinag-uusapan kaya sinaway siya ng biktima na huwag sasali sa usapan na dahil di niya alam ang puno’t dulo.

Nagkainitan ang dalawa hanggang sa tinulak ng suspek si Laurente at sinaksak sa likod.

Pero nagawa pang tumayo ng biktima at hinabol ang suspek saka gumanti ng saksak.

Nagkaareglo naman ang magkabilang panig at kapwa na ngayon nagpapagaling.