Aklan News
MAGSASAKA NA WANTED SA PAGSASABONG, TIKLO SA BALETE
Kalaboso ang isang 41-anyos na magsasaka na wanted umano sa iligal na pagsasabong sa Poblacion, Balete.
Kinilala ang suspek na si Roger Agudes De Luna residente ng So. Cabaya, Barangay Manika, Libacao, Aklan.
Nahuli ang akusado kaninang alas-8 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Lollie Ureta Villaruel, Presiding Judge ng MCTC, 6th Judicial Region, Banga-Libacao-Madalag, Aklan sa kasong paglabag sa PD 449 (Illegal Cockfighting Law of 1974).
Samantala, nabatid mula mismo sa Balete PNP na nakapagpiyansa ang akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Continue Reading