Connect with us

Aklan News

Magsasaka, sinaksak ng kapwa magsasaka sa Malinao

Published

on

Sugatan ang isang magsasaka matapos saksakin ng kapwa magsasaka sa Sitio Eangangae Barangay Rosario, Malinao, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Mario Rettes, 59-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, nag-iinuman kagabi ang biktima at ang suspek na si Arnold Rondario, 44-anyos nang magkaroon ng hindi pagka-intindihan sa pagitan nila.

Napikon umano ang suspek at kumuha ito ng patalim at sinaksak ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng tama ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Kaagad naman itong dinala ng mga miyembro ng MDRRMO-Malinao sa ospital at nasa mabuti ng kalagayan.

Samantala, iprenisenta naman ng suspek ang kanyang sarili sa mga rumespondeng kapulisan at inako ang nagawang krimen.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malinao PNP si Rondario at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide.|

Napag-alaman na magkaibigan pala ang suspek na si Rondario at ang biktimang si Rettes.|SM/RT