Aklan News
Mahigit 1.3 Million, nalikom ng Aklan PNP para matulungan ang mga apektado ng Coronavirus
“Sanay makatulong ang Sariling Pinag-hirapan ng Pulis Aklan, hanggad po namin na makapag-lingkod upang tayong lahat ay maging ligtas laban sa krisis bunsod ng pandemyang Covid-19” Ito ang pahayag ni PCol Esmeraldo Osia Jr., Provincial Director ng Aklan Provincial Police Office
Inihayag ni PCol Osia na umabot sa 1,322,600 million ang nalikom na pera mula sa boluntaryong kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine National Police sa lalawigan bilang bahagi ng Team Bayanihan Fund Challenge for Covid-19 pandemic.
Layunin nito na matulungan ang publiko mula sa gutom at piligrong hatid ng nakakahawa at nakakamatay na sakit.
Aniya nag-ambagan ang mga personnel at officers ng pera galing sa kanilang sweldo kung saan ay bukas loob na nagbahagi ng isang libo o 1,000 hanggang kalahating buwan ng kanilang mga sweldo.
Gayunpaman, layunin ng naturang pagtutulungan na makalikom ng halaga ang buong pwersa ng Pnp sa bansa para maibahagi sa hindi nakatanggap ng Social Amelioration Subsidy.
Dahil sa mabubuting kalooban ng mga kapulisan sa Aklan madaling nakabuo at nakalikom ng mahigit isang milyon para matulungan ang lubos na nangangailangan ngayong panahon ng krisis.