Connect with us

Aklan News

Mahigit 1 milyong turista bumisita sa Boracay sa unang 6 buwan ng taon

Published

on

UMABOT sa mahigit isang milyong turista ang bumisita sa isla ng Boracay sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Batay sa datos ng Malay Tourism Office mula Enero hanggang Hunyo, sumampa na sa 1,141,810 ang kabuuang bilang ng turistang bumisita sa isla.

Nangunguna naman na top market sa foreign tourist sa Boracay ang bansang South Korea na mayroong 87, 750 tourist arrivals, pumangalawa ang United States of America na may 21, 273; sinundan ng China 12, 163 at Taiwan na may 10, 822 foreign tourist.

Maliban rito, kabilang din sa Top 10 ang mga bansang Austria, United Kingdom, Russia, Germany, Canada at Japan.

Samantala pagdating naman sa domestic tourist, nangunguna pa rin sa may pinamakaraming turistang bumisita sa isla ang National Capital Region (NCR), pumangalawa ang Western Visayas at sumunod naman ang Region 4-A o CALABARZON.

Kaugnay nito, positibo ang Malay Tourism Office na malalampasan pa nila ang kanilang target na 1.8 million tourist arrivals bago matapos ang taong 2023.