Connect with us

Aklan News

MAHIGIT 1,000 BORACAY WORKERS, ISINAILALIM SA SWAB TEST NG RT-PCR

Published

on

Photo| Shiela Marie Matorre

Patuloy ang pagsasagawa ng mass testing sa mga empleyado ng mga hotel sa Boracay para masiguro na ligtas sa COVID-19 ang isla.

Ayon kay Provincial Health Chief Cornelio Cuachon Jr., ikaapat at huling na araw na ngayon ng mass testing sa isla na nagsimula noong December 26.

Target umano nila ngayon na ma swab test ang 350 pang empleyado para makapagpahinga muna ang mga swabber at magbabalik sa January.

Pumalo na sa kabuuang 1090 ang bilang ng naisagawang swab tests sa isla at ang nakunan ng swab sample noong December 26 at 27 ay puro negative ang results.

May 9 na mga teams ang nagsasagawa ng swabbing na kinabibilangan ng health workers ng Aklan Provincial Health at Malay Municipal Health Offices.

Kinumpirma rin nito na ang ginastos sa mass testing ay mula sa P10 milyong budget na ibinigay ng Department of Tourism sa Aklan Provincial Governemnt para sa swab test ng mga empleyado sa Boracay.

Molecular Laboratory ng Provincial Government ang ginagamit sa ngayon kung kaya’t madaling nailalabas ang resulta.

Nilinaw din ni Dr. Cuachon na walang kinalaman ang nagpositibong empleyado ng isang resort sa Balabag noong nakaraang Linggo sa kanilang mass swab testing ngayon.

Napag-alaman na negative ang resulta ng RT-PCR ng mga may direct contact sa kanya.

Pinaplano na rin ng local government ng Malay ang pag-testing sa mga e-trike drivers, boat staff at Jetty Port workers sa Enero.