Connect with us

Aklan News

Mahigit 20 million pesos natangay ng Double Your Money scammer sa 170 Aklanons

Published

on

Mahigit 20 milyong piso ang natangay mula sa may 170 Aklanon na nag-invest ng pera sa 25 days double your money investment scheme ni Junelyn Gregorio.

Sinampahan na ng kasong Syndicated Estafa ng negosyante at investor na si Delma Beltran ang CEO ng Binance Trade na si Junelyn Gregorio na kilala bilang Miss O at ang mga upline nitong si Franz Keith Villanueva, Arnel Gemoto, Akieles Aziel Gene Grecia at Grace Itchon.

Kwento ni Atty. Jerome Padios na abogado ni Beltran, nagsimula ang lahat nang maimbitahan ng isang negosyante sa Aklan si Franz Keith Villanueva na nagpakilalang Office Head ng Binance Trade Iloilo.

Isa aniya si Beltran sa mga negosyanteng dumalo sa imbetasyon at nag-invest ng paunang P50, 000 dahil sa pangakong dodoble ito paglipas ng 25 araw.

Nakapag-pay out si Beltran matapos ang 25 araw kaya naman maraming sa kanyang mga kakilalang negosyante at kaibigan ang naengganyo rin na mag-invest.

Umabot sa P22,508,400 ang halaga na nainvest ng mga ito mula Disyembre hanggang Enero pero hindi na sila nakapagpay-out.

Dahil dito kinausap sila ng abogado ni Gregorio at isinigurado na babayaran ang kanilang pera sa February 20, 2021 pero lumipas na ang Pebrero ay hindi pa rin sila nakapag-pay out.

Isa si Beltran sa mga nag invest at nagtestigo na natanggap nila Villanueava ang lahat ng investments mula sa mga Aklanon kaya nagdesisyon ito na magsampa na ng kaso laban sa kanila.

Hinikayat din ni Padios ang ilang Aklanon investors na makipag-ugnayan sa kanila para mas lumakas pa ang kaso laban sa mga money scammer.

Nagpaalala rin ang abogado na huwag basta-basta magtaya o maniwala sa mga investment scheme o kaya naman ay bago mag-invest, humingi muna ng secondary license mula sa SEC na patunay na hindi ito scam.