Connect with us

Aklan News

Mahigit 7K rehistradong rice farmer sa Aklan, nakatanggap ng tig-P5K na cash assistance mula sa DA

Published

on

Kabuuang 7,365 na mga rehistradong rice farmers sa Aklan ang napamahagian ng tig-limang libong piso na cash assistance nitong Pebrero 4, 2023 sa ABL Sports and Cultural Complex Kalibo.

Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program ng Department of Agriculture.

Ang mga benepisaryo ng nasabing programa ay ang mga rice farmer mula sa bayan ng Batan, Altavas, Balete, Libacao, Madalag, Malinao at New Washington na mayroong dalawang ektarya o mas mababa pang sukat ng taniman ng palay.

Sa pamamagitan ng naturang cash assistance magkakaroon na sila ng dagdag na pang-gastos para sa kanilang pagtatanim, pagkain sa kanilang pamilya at iba pang pangangailangan.

Samantala, pinangunahan naman ni Senator Imee Marcos ang distribusyon ng nasabing rice farmer’s cash assistance kung saan nagpahayag ang senadora ng pagsuporta sa mga magsasaka sa lalawigan ng Aklan.