Connect with us

Aklan News

MAHIGIT 7OK NA ESTUDYANTE SA BUONG LALAWIGAN NG AKLAN NAKA-PAG ENROLL NA

Published

on

Umabot sa 76,550 ang mga naka enroll na mga estudyante sa pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Aklan mula ng nag umpisa ang enrollment para sa darating na pasukan sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Mrs. Milgie Villareal Planning Officer 3 ng DepEd Aklan ang nasabing numero ay 57 percent pa lang sa inaasahan nilang mag e-enroll ngayong pasukan na aabot sa 134,246 mula elementarya hanggang Senior High School.

Samantala aabot naman sa 15,460 o 68 percent sa kabuuang 23,660 na mga mag aaral ang nakapag-enroll na mula sa pribadong eskwelahan.

Inaasahan pa nila na aabot sa 50k na mga mag aaral ang hahabol bago matapos ang enrollment susunod na buwan.

Noong nakaraang taon ay umabot sa 98percent sa kabuuang mga mag aaral ang naka pag enroll.

Ayon pa kay Villareal, apektado rin anya ang mga estudyante dahil sa pandemya na idinadaan lamang sa online platform,printed,digital modules ,telebisyon at radyo ang klase.

Maglalagay rin anya sila ng mga drop boxes para doon na lang ihulog ang mga enrollment forms para sa mga estudyante para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao.