Connect with us

Aklan News

MAHIGIT P2-BILYON NA HALAGA NG MGA PROYEKTO PARA SA LALAWIGAN NG AKLAN, NAKATAKDANG IPATUPAD NG DPWH

Published

on

Nakatakdang ipatupad ng DPWH Aklan ang mahigit sa P2 bilyong halaga ng mga proyekto sa lalawigan ngayong taong 2022.

Sa inilabas na Fiscal year 2022 DPWH National Expenditure Program Base on Regional Budget Proposal, Php873.5 million dito ay mapupunta sa unang distrito ng Aklan kung saan Php86.8 million ay para sa Asset Preservation Program, Php279.8 million sa Network Development Program, Php75 million sa Bridge Program, Php301.7 million sa Flood Management Program, Php65 million sa Building and Structures at Php65 million sa Local Roads.

Samantala Php1.1B naman ang mapupunta sa ikalawang distrito kung saan Php80 million ay mapupunta sa Asset Preservation Program, Php330 million sa Network Development Program, Php25 million sa Bridge Program, Php426.8 million sa Flood Management, Php103.9 million para naman sa Convergence and Special Support program, Php85 million sa Building and other Structures, Php82 million sa Local Roads, Php15 million sa Water Supply at Php35 million sa Local Program Flood Control.

Karamihan naman sa nasabing mga proyekto ay na bidding na at ang iba ay nakatakda pa lamang.

Samantala, ang iba naman ay Project for Posting at mga bagong proyekto na may Row Problems.

Nakapaloob naman sa 2022 GAA o General Appropriations Act ang lahat ng nasabing mga proyektong ipatutupad sa buong lalawigan ng Aklan.