Aklan News
Makato PNP, 85% na para sa WVRAA Meet 2023
INIHAYAG ni Police Captain Merriefin Carisusa, hepe ng Makato Municipal Police Station na 85 porsiento na silang handa para sa nalalapit na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2023.
Aniya, ito ay matapos na naging matagumpay ang kanilang isinagawang Simulation Exercise (SimEx) bilang kanilang security preparation sa nasabing sporting events.
Ayon pa kay PCapt.Carisusa, ang tagumpay ng WVRAA Meet ay hindi lamang tagumpay ng Makato at iba pang bayan kundi ng buong rehiyon.
“Lalo na ang success ng WVRAA natin is not just the success of Makato and any other municipalities but as well as the whole region kumbaga,” ani PCapt. Carisusa.
Magkakaroon din aniya ng mga augmentation mula sa ibang mga municipal station sa Aklan.
Dagdag pa nito,”I-utilize natin yung mga municipalities po na walang venue, walang event, walang billet sa mga WVRAA delegates natin. Sila yung makukuhanan natin ng mga augment.”
Giit pa ng opisyal, sa Aklan lamang manggagaling ang mga augmentation forces para sa WVRAA Meet dahil sapat naman umano ang mga tauhan ng Aklan Police Provincial Office (APPO) para mapunana ang requirements ng security forces.
Maliban sa mga augmentation forces, may ilalagay din na Police Assistance Desk na maaaring hingan ng tulong at may mga checkpoints ndin aniya na ilalatag upang masiguro ang kaligtasan ng bawat atleta at delegado na kalahok sa nasabing aktibidad.
Magsisimula ang WVRAA meet sa Abril a-24 at magtatapos sa Abril 30, 2023.