Aklan News
MAKATO SB MEMBER STEVEN TEJADA, NAHULI NG AKELCO NA MAY ILLEGAL SHARING NG KURYENTE
Kinumpiska ng apprehension team ng Aklan Electric Coopertive o AKELCO ang electric meter na nakapangalan kay Makato SB member Steven Tejada sa So. Tigao, Pob. Makato noong Huwebes.
Ito ay matapos madiskubreng may illegal sharing ng kuryente ang linya nito base na rin sa impormasyon mula sa isang impormante na ginagamit umano ang electric meter ni Tejada para makapag-oprerate ang E-Sabong at ang kuryenteng ginagamit ay galing sa bahay na pagmamay-ari ng konsehal.
Napag-alaman na pending pa ang application ng kuryente ng E-sabong sa AKELCO.
Ang nasabing aktibidad ay mahigpit na ipinagbabawal base na rin sa nakasaad sa RA 7832 o mas kilala sa Anti-Pilferage Act of 1994.
Continue Reading