Connect with us

Aklan News

Malalaking proyekto sa 2023, asahan ng mga Malaynon

Published

on

PHOTO: LGU Malay/Facebook

Malalaking proyekto ang dapat asahan ng mga residente sa pagpasok ng taong 2023.

Sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista sa panayam ng Radyo Todo na pinaghahandaan na nila ang mga bago at malalaking proyekto ngayon palang na buwan ng Enero.

Kabilang sa mga big projects dapat abangan ay ang planong intermodal terminal sa Brgy. Sambiray, circumferential road at ang paglipat ng elementary school na malapit sa Caticlan Airport.

Ayon sa alkalde, una niyang tinututukan ang matagal na nilang balak na magtayo ng intermodal terminal na sagot umano sa masikip na Caticlan Jetty Port.

Sisimulan na rin ang pinaplanong diversion road mula sa Sambiray hanggang sa Dumlog na may habang 14 kilometro at may budget na P350 million.

Aniya pa, bibigyang prayoridad rin ang paglipat ng elementary school na malapit sa Caticlan Airport para makatutok ang mga mag-aaral sa klase at mapalayo na sa ingay na nagmumula sa paliparan./MAS