Aklan News
MALAY COLLEGE, POSIBLENG MAGBUKAS SA SUSUNOD NA PASUKAN
Posible nang makapag-enroll ang mga estudyante sa Malay College sa susunod na pasukan matapos itong maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Sinasabing isa ito sa mga naging prayoridad ng Local Government Unit (LGU) Malay para sa kapakanan ng mga estudyante at Malaynon na hindi kayang paaralin ang mga anak sa Kalibo.
Pahayag ni Alma Belejerdo, Chairman ng Technical Working Group, na kailangan na lang nilang lakarin ang mga papeles sa CHED at maari na silang tumanggap ng mga enrollees.
Sa ngayon ay mayroon na di umanong 15 silid-aralan ang Malay College na kayang tumanggap ng mahigit 300 estudyante na gustong kumuha ng kursong BS in Tourism and Hospitality Management.
Magugunitang unang binalak ng Malay na magkaroon ng tertiary school noong 2001 ngunit nabigo sila.