Connect with us

Aklan News

Malay Mayor Bautista: “Ma-strikto gid ako especially sa implementasyon sa wearing of facemask”

Published

on

BINIGYAN-DIIN ni Malay Mayor Frolibar Bautista na strikto siya lalo na sa implementasyon ng pagsusuot ng facemask sa Boracay.

Aniya, ito ay dahil kung ano ang magiging problema ng Boracay, madadamay ang lahat kung kaya’t kailangang maging strikto ang lokal na pamahalaan sa implementasyon ng health protocols.

Saad pa nito, mas magiging ligtas ang isang indibidwal kapag may suot na facemask.

“Masyado kita nga strikto dahil nasayran man naton ro problema. Pag na-kwan ro Boracay, daeahig man kita tanan, diba? So, ma-strikto gid ako especially sa implementasyon sa wearing of facemask. Anyway pag sinita na, that’s good for… not only for everybody pero ikaw mismo, safety ka rin once may facemask ka.”

Samantala, nilinaw naman nito na hindi na rin naman kailangang magsuot ng facemask kapag ang mga turista ay maliligo na.

Dagdag pa nito, maaaring may mga nakitang hindi sumusunod ang mga kapulisan kung kaya’t mayroong mga natitiketan.

“Pero may ina gid mat-a siguro nga makit-an nanda nga owa gid-a gasunod baea man. So imaw ron siguro ang natiketan,” ani Bautista.

Sa katunayan ani Bautista, hindi na nila ipinapatupad ang pagsunod sa physical distancing dahil hindi naman talaga maiiwasan ang pagkumpulan ng mga tao.

Dahil dito, tanging ang pagsusuot lamang ng facemask ang kanilang mahigpit na ipinapatupad.

“Diba may aton nga physical distancing, ro aton malang karon hay una malang ro contact eh, so owa eon ngani naton gina-implement ro physical distancing, wearing of facemask lang anay.”

Giit pa nito, “Gin-aprubahan it provincial board ro aton nga ordinansa ngaron meaning that’s legal.”