Connect with us

Aklan News

MALAY MUNICIPAL TRANSPORTATION OFFICE UMABOT NA SA 9 ANG REKLAMONG NATANGGAP KASABAY NG PAGDAMI NG TURISTA SA BORACAY

Published

on

File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

UMABOT na sa siyam na reklamo ang natatanggap ng Malay Municipal Transportation Office kasabay ng muling pagdami ng mga bumibisitang turista sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Mr. Ryan Tubi, OIC ng Municipal Transportation Office- Boracay sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, ang kalimitang idinudulog sa kanilang problema ay ang pagtanggi o pagpili ng ilang drayber ng isasakay na pasahero lalo na ngayong unti-unti nang bumabalik sa dating sigla lalo na ang industriya ng turismo sa isla.

Saad pa ni Tubi na kaagad naman nilang binibigyan ng citation ticket ang mga mahuhuling drayber.

Samantala, ipinahayag ni Tubi na kaagad nilang binigyan ng mabilis na aksyon ang dalawang e-trike drivers na isinumbong ng mga complainant sa pamamagitan ng kanilang hotline number at Facebook Page nitong nakaraang Linggo.

Kaugnay nito mahigpit ang paalala ng Municipal Transportation Office- Boracay sa mga draybers na iwasan ang ganitong klaseng pag-uugali sa kanilang mga pasahero.

Hinimok naman ni Tubi ang mga pasahero na kaagad na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga mapang-abusong drayber upang silang mabigyan ng kaukulang leksyon.

Sa kabilang banda, inaasahang mas dadami pa ang bilang nga mga turistang pupunta sa isla ng Boracay sa buwan ng Marso, Abril at Mayo kasunod nang muling pagbubukas ng pinto para sa mga turista mula sa non-visa countries nitong Pebrero 10 ng kasalukuyang taon.

Continue Reading