Aklan News
Malay PNP ipinasiguro ang 24/7 na serbisyo sa mga bakasyunista ngayong holy week sa Boracay Island
Ipinasiguro ng Malay Municipal Police Station ang kanilang 24/7 na serbisyo para sa mga bakasyunistang magdaraos ng Semana Santa sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay PNP Chief PLt.Col. Don Dicksie De Dios, kahit anong oras ay maaaring lapitan ng mga turista’t bakasyunista ang mga kapulisan kung kailangan nila ng assistance.
Aniya pa, kahit siya mismo ay handang tumulong kahit anong oras.
Ngunit paalala ni De Dios, mahigpit pa ring ipinapatupad sa isla ang mga municipal ordinances gaya ng smoking at traffic ordinances gayundin ng environmental laws.
“Sa mga kababayan at mga turista na nagpa-planong bumisita, mag-relax at magmuni-muni sa ating Holy Week na parating, nandito lang po ang inyong Malay PNP para mag-assist po sa inyo 24/7 kung kailangan niyo po kami o kailangan niyo ng assistance. Pero paalala ko lang po sa mga turista natin na mahigipit pa rin pong ipinapatupad natin dito ang ating mga ordinansa lalo na yung smoking po tsaka yung traffic laws natin dito at ang ating environmental laws. Pagdating naman sa jetty port, meron naman tayong mga tarpaulin doon na pwedeng picturan ng ating mga turista para alam nila kung ano yung mga do’s and don’ts dito sa island para mas lalong ma-enjoy nila yung kanilang bakasyon. Anyway, nandito kami at pwede kaming lapitan, ako mismo kahit na pinaka-hepe nila ay pwede akong lapitan anytime. Nandito lang po ako para sa kanila,” pahayag ni PLt. Col. De Dios.