Aklan News
Malay PNP mas pinaigting pa ang law enforcement operation sa Boracay
MAS PINAIGTING PA ng Malay Municipal Police Station ang kanilang law enforcement operation sa isla ng Boracay.
Kasunod ito ng muling pagbabalik sigla ng industriya ng turismo sa tanyag na isla.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay PNP chief PLt. Col. Don Dicksie De Dios, inihayag nito na maraming malalaking events ang nakatakdang idaos sa Boracay kung kaya’t kailangang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Aniya pa, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Malay PNP sa iba pang ahensiya at organisyasyon sa isla upang itaguyod ang Boracay bilang safe travel destination sa buong mundo.
Kaugnay nito, magkakaroon din ng mga Simulation Exercise (SIMEX) ang Malay PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mas mahasa pa sila sa pagresponde sa iba’t ibang scenario na maaring maganap sa isla.
Layunin din ng pulisya na marespondehan ang bawat krimen o kaganapan sa isla sa loob lamang ng limang minuto.