Connect with us

Aklan News

Malay PNP nasakote ang 3 illegal gamblers at 6 na wanted person

Published

on

Nasakote ng Malay PNP ang kabuuang 9 na indibidwal sa loob lamang ng dalawang linggo nilang pinaigting na kampanya laban sa anti-illegal gambling operation at manhunt operation laban sa mga wanted person sa isla ng Boracay at bayan ng Malay.

Napasakamay ng mga kapulisan nitong Hulyo 11, sina Alvin Gelito ng Brgy. Manocmanoc, Darlie Fabunan ng Sibuyan San Fernando, Rombon at Nida Garcia ng Ibajay matapos maaktuhang naglalaro ng “TONG-ITS” sa Barangay Manocmanoc, Boracay at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 in relation to RA 9287 on “Illegal Gambling”.

Sa kabilang banda, anim na indibidwal naman ang ang naaresto ng Malay PNP sa magkahiwaly na mga manhunt operations para sa kampanya kontra wanted persons.

Nitong Hulyo 14, isang akusdaso ang inaresto ng mga kapulisan sa Manocmanoc, Boracay dahil sa kasong Qualified Theft na may piyansang aabot sa P40,000.

Dalawang akusado naman ang inaresto sa Brgy. Poblacion, Malay nitong Hulyo 11 na may kasong paglabag sa sec 78 ng PD 705 at may piyansang P36,000 bawat isa.

Kaugnay nito, noong Hulyo a-7, isang akusado sa kasong paglabag sa Sec. 2 ng RA 9262 ang inaresto ng Malay PNP sa Brgy. Manocmanoc kung saan may nakatalagang piyansa na P72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nauna pa rito, Hulyo a-5 ng taong kasalukuyan, dinukot naman ng mga pulis ang isang akusado habang nagpo-proseso ng kanyang police clearance sa Malay MPS Headquarters sa Bgy. Manocmanoc, Malay, dahil sa kasong Qualified Trespass to Dwelling na may nakatalagang piyansa na dalawang libong piso.

Samantala, isang foreign national naman ang inaresto ng kapulisan nitong Hulyo a-1 sa Brgy. Balabag dahil sa kasong paglabag sa Sec. 266 ng National Revenue Code at may nakalaang piyansang P12,000.

Ang mga naaresto ay itinurn-over sa korte para sa karampatang disposisyon.

Pinuri naman ni PLTCOL Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP ang operatiba dahil sa kanilang pagsisikap sa malawakang manhunt operations na nagresulta sa pagka-aresto sa mga wanted person para sa hustisya.

“This only shows that the Malay PNP is committed in its fight against illegal gambling and wanted persons. Our relentless efforts on launching operations as directed by our Provincial Director PCOL CRISALEO R TOLENTINO and our Regional Director PBGEN FLYNN E DONGBO will continue and we will strictly impose the full force of the law as it steps up its campaign against all forms of lawlessness to minimize criminality in Malay,” ani PLTCOL DE DIOS.