Aklan News
Malay SB member Palma, pinayuhan ang publiko kaugnay sa mga driver ng e-trike sa Boracay na pumipili ng pasahero
Pinayuhan ni Malay Sangguniang Bayan member Alan Palma Sr. ang mga commuters, residente at mananakay sa isla ng Boracay kaugnay sa mga drayber ng e-trike na pumipili ng pasahero.
Sa panayam ng Radyo Todo kay SB member Palma, sinabihan nito ang publiko na kuhaan ng litrato ang mga e-trike drivers na pumipili ng pasahero at kaagad na i-report sa action center.
Ito ay upang mabigyan sila ng karampatang penalidad maliban sa ipapataw na suspension.
Saad pa ng konsehal na sapat ang mga e-trike na bumabiyahe sa Boracay.
Sadyang ang ugali lamang ng mga drayber ang problema sa isla.
Dagdag pa ni Palma na, pinayagang magtaas pasahe ang mga drayber kaya’t nagsusumapo siya sa mga drayber na kung maaari ay huwag nang mamili pa ng isasakay sa halip ay isakay ang lahat ng mga commuters, residente lalo na ang mga bata. /SJM