Connect with us

Aklan News

Malay SB, suportado ang pagtatag ng Boracay Island Development Council kaysa sa BIDA

Published

on

Image|SB Malay Facebook

Malay, Aklan – SINUPORTAHAN ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagtayo ng Boracay Island Development Council at ipinahayag ang kanilang pagsalungat sa Boracay Island Development Authority (BIDA).

Sa ginanap na sesyon kahapon, ipinahayag ni konsehal Dante Pagsuguiron sa kanyang privilege speech ang kanyang pagrekomenda sa House Bill No. 4175 ni Aklan Second District Representative Teodorico Haresco kaysa sa isinusulong na HB 7256 ni Congressman Carlito Marquez ng Aklan First District.

Paliwanag ni Pagsuguiron sa panayam ng Radyo Todo, ang BIDA ay medyo powerful at pinangangambahan nito na baka masapawan ng national government ang kanilang trabaho. Aniya, dapat na tulungan nalang ng national government ang lokal na pamahalaan kaysa sa sapawan ito.

Mas malinaw rin aniya ang mandato na nakalatag sa Boracay Island Development Council kaysa sa BIDA kaya ito ang nais nilang irekomenda.

Bagamat aminado ito na may mga ‘failures’ ang lokal na pamahalaan kaya’t tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na cesspool ang Boracay, iginiit niya na mas makakabuti kung hayaan na lang sa LGU ang pamamahala nito dahil mas may concern sila sa isla.

“I think mas concerned kita kesa sa ila eh, Boracay is ours dibala, not theirs,” lahad ni Pagsuguiron.

Ang nagpropose ng resolution opposing the creation of BIDA ay si konsehal Rannie Tolosa, samantala si Pagsuguiron naman ang naghain ng resolusyon ng pagsuporta sa Boracay Island Development Council.

Aminado naman si Pagsuguiron na minadali nila ang pag-apruba ng naturang mga resolusyon na hindi pa nakadaan sa committee hearing at hindi pa napapakinggan ang panig ng mga stakeholders.