Aklan News
Malay Tourism Office, nagbabala ukol sa talamak na isyu ng cybercrime na tumatarget sa mga turistang nais magpa-Boracay
NAGBABALA ang Malay Tourism Office sa mga turistang nagbabalak na magbakasyon sa Boracay tungkol sa talamak na cybercrimes.
Batay sa abiso na inilabas ng tourism office, talamak na isyu ng cybercrime ang magkasunod na natanggap ng kanilang opisina kung saan target ng mga ito ang mga turistang sabik na pumunta sa Boracay.
Sinasamantala umano ng ilang indibidwal kasikatan ng isla para makapanloko ng mga turista.
Para maiwasang maging biktima ng scam, binigyang diin ng Malay Tourism Office sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga Department of Tourism (DOT) accredited travel agencies at accommodation establishments sa Boracay at mainland Malay.
Ang mga accredited travel agencies at accommodation establishment ay nasuri at aprubado ng lokal na pamahalaan at DOT.
Maaaring makita ang listahan ng DOT Accredited Travel Agencies and Accommodation Establishments sa official Facebook page ng Malay-Boracay Tourism Office at www.boracayinfoguide.com.