Connect with us

Aklan News

Maluwag na border control sa Aklan at karatig probinsiya sa Panay Island, ipatutupad

Published

on

LULUWAGAN na ang ipinapatupad na border control sa pagitan ng Aklan at mga probinsiya sa Panay Island.

Ito ang pahayag ni Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta sa panayam ng Radyo Todo kanina.

Kasunod ito ng pagtanggal ng border restrictions sa Iloilo Province, Antique at Capiz na napagkasunduan sa Regional Inter-Agency Task Force meeting kahapon.

Ayon kay Ibarreta, ipinag-utos na ni Gov. Joeben Miraflores na luwagan na ang border control pero patuloy pa rin pagpapatupad ng mahigpit na seguridad pagdating sa mga barko at eroplano, lalo na at hindi pa pwedeng bumiyahe ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa rehiyon.

Samantala, nakatakdang lumapag sa Kalibo International Airport ngayong araw ang eroplanong may sakay na Returning Overseas Filipino worker na negatibo na sa RT-PCR test ayon kay Ibarreta.

Pagdating ng Aklan ay idederetso na sila sa Aklan Training Center para isailalim sa 14-day quarantine.