Connect with us

Aklan News

Mandatory na paggamit ng digital na timbangan, isinusulong ng Kalibo Consumer Association

Published

on

ISINUSULONG ngayon ng Kalibo Consumers Association ang resolusyon na naglalayong ipatupad ang paggamit ng digital na timbangan sa Kalibo Public Market.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Consumers Association President Ramel Buncalan, sinabi nito na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga timbangan sa merkado at kinukumpiska at pinapalitan ang mga depektibo.

Subalit napansin niya umano na parang sinasadya ng iba na maging  depektibo ang kanilang ginagamit na timbangan.

“Do iba, daw ginakalikot gid, ginahungod,” ani Buncalan.

Hindi naman nilalahat ni Buncalan ngunit may iilan talaga aniya na gumagawa nito.

Binigyan-diin nito na malaking bagay na ang isa o dalawang gramo pagdating sa mga tinitimbang na bilihin.

Giit pa nito na kadalasang nabibiktima nito ang mga mahihirap na konsumidor.

”Mawra ro masakit nga kamatuoran nga mabuhay eon gali nga gina-inubra ron,” saad pa nito.

Kaugnay nito, inihayag ni Buncalan na sa pamamagitan ng isinusulong nilang resolusyon ay maprotektahan nila ang mga mamimili mula sa mga depektibong timbangan na sinasamantala naman ng iilang negosyante.