Aklan News
Mangingisda patay matapos malunod sa Ochando, New Washington
WALA NANG BUHAY ng matagpuan ang isang mangingisda sa Sitio Kuntang, Brgy Ochando, New Washington nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Roben Ramos, 55-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa MDRRMO New Washington nakatanggap sila ng tawag bandang alas-7:21 ng umaga mula sa punong barangay ng Ochando ukol sa insidente.
Sa kanilang pagresponde, nakita na nila ang biktima na karga-karga na ng mga residente at wala nang buhay.
“Bali nag-call abi sanda kamon hay 7:21 ag nakita imaw it mga tawo idto hay mga 30 minutes sobra eot-a imaw nga nagasab-eay sa anang bintahan,” pahayag ng MDRRMO New Washington sa panayam ng Radyo Todo.
Pinaniniwalaang kagabi pa nalunod ang biktima at kaninang umaga lamang ito nakita ng mga residente sa lugar.