Aklan News
MANGINGISDA, POSIBLENG INATAKE SA PUSO HABANG SUMISISID SA BORACAY, PATAY
Binawian ng buhay ang isang mangingisda matapos malunod sa isla ng Boracay.
Kinilala ang biktimang si Arnel Yap, 40 anyos ng Brgy. Balabag, Boracay, Malay.
Nilinaw ng ni Senior Chief Petty Officer Dominador Salvino ng Philippine Coastguard na hindi tumaob ang bangka na sinakyan ng biktima kundi sumisid ito sa dagat para manghuli ng isda.
Pero posible aniyang inatake ito sa puso habang nasa ilalim ng dagat hanggang sa hindi na nakita ng kanyang mga kasamahan.
Nang mapansin ito ng kanyang mga kasama ay agad na silang tumawag ng tulong sa mga rescuer hanggang sa nakita sa ilalim ng dagat ang biktimang wala ng malay.
Mabilis itong dinala sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival.
Continue Reading