Connect with us

Aklan News

Mangingisda tiklo sa drug buy bust operation sa Batan

Published

on

Timbog ang isang mangingisda sa ikinasang drug buybust operation nitong hapon ng Lunes sa Brgy. Camanci, Batan.

Kinilala ang suspek na si Melvin Napoles, 33-anyos na residente ng Ivisan, Capiz.

Ayon sa Batan Pnp, ilang buwan na rin nila itong under monitoring ngunit masyadong madulas sa mga otoridad.

Sinasabing, nakipag-transaksyon kahapon si Napoles at nakipagkita sa boundary ng Brgy. Camanci, Batan at Capiz.

Nabilhan ang suspek ng 1 sachet ng suspected shabu kapalit ang P1, 500 na buybust money.

Ngunit habang isinasagawa ang operasyon ay natunugan umano ni Napoles na mga otoridad ang kaniyang kausap.

Nagtangka pa itong tumakas sakay ng kaniyang motorsiklo ngunit agad din nacorner ng mga kapulisan.

Samantala, may narekober pang dagdag na 1 sachet ng suspected shabu na itinapon namn ng suspek sa gilid ng daan.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng kaniyang drugtest bago ito i-inquest sa piskalya para harapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  via Rhealyn Ortega