Connect with us

Aklan News

Mangingisda umano’y inatake ng epilepsy, nalunod-patay sa palaisdaan

Published

on

Nakalutang na nang madatnan ng ilang mga residente ang isang mangingisda sa isang palaisdaan matapos itong malunod nang atakihin ng sakit nitong tanghali ng Lunes sa Brgy. Tugas, Makato.

Napag-alaman na 38-anyos na isang mangingisda ang biktima, residente rin ng lugar na umano’y may sakit na epilepsy.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Makato PNP, kukuha lang sana ang naturang mangingisda ng mga shell sa palaisdaan nang atakihin ito ng sakit na epelipsy.

Hinala ng pamilya nito, nahulog sa palaisdaan ang biktima nang umatake ang sakit kaya ito nalunod.

Dakong alas-11:15 na umano nang makita ng ilang residente na nakalutang at wala na itong buhay.

Agad nagresponde sa lugar ang mga otoridad na hanggang ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon para makumpirma kung may foul play ba o wala sa nangyari.

Samantala, nasa punerarya na ngayon ang katawan naturang biktima.