Connect with us

Aklan News

Mangingisda, umano’y nakakita ng aswang Dumatad

Published

on

Nanginig sa takot ang isang mangingisda matapos umano itong makakita ng aswang na gumagapang malapit sa kubo nito dakong alas-9:00 kagabi sa Brgy. Dumatad, Tangalan.

Kwento ng mangingisda na si Ronnie Traje, galing umano siya sa Pisonet para mag-connect at nang makauwi ay umihi pa umano ito at may nakitang parang itim na anino malapit sa kaniyang kubo.

Noong una ay hindi umano nito pinansin ngunit nang iinom na sana ito ng tubig ay bigla umanong may tumunog at nang kaniyang pailawan gamit ang cellphone ay nakita nito ang isang maitim na nilalang na pula ng mata at gumagapang palayo.

Sa takot ay hindi na siya nakasigaw at tumakbo nalang papunta sa kaniyang mga kasamahan na nasa dalampasigan para humingi ng saklolo.

Nilibot pa umano ng mga kasamahan nito ang lugar ngunit wala silang nakita na aswang at kahit anong bakas na dinaanan nito.

Samantala, ipinost naman ito sa social media ni Marivic Venancio kung saan marami ang nag-comment at nag-share rito.

May ibang mga naalarma at naniniwala ngunit mayroon ring tinatawanan nalang ang alegasyon.

Napag-alaman, may una na rin umanong naging usap-usapan na may nakakita rin ng aswang sa lugar noong nakaraang araw.