Connect with us

Aklan News

MANOC-MANOC BRGY. CAPTAIN NIXON SUALOG, NANAWAGAN SA LGU MALAY NA AKSYUNAN ANG PROBLEMA SA BASURA SA BORACAY

Published

on

MANOC-MANOC BRGY. CAPTAIN NIXON SUALOG, NANAWAGAN SA LGU MALAY NA AKSYUNAN ANG PROBLEMA SA BASURA SA BORACAY
Photo Courtesy: Nixon Casimero Sualog Facebook

NANAWAGAN si Manoc-manoc punong barangay Nixon Sualog sa lokala na pamahalaan ng Malay na bigyan na ng solusyon at aksyon ang kanilang problema sa basura sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay kapitan Sualog, ibinahagi nito na nakita niya mismo ang kalagayan ng kanilang MRF o Material Recovery Facility.

Aniya pa, kahit ang mga residenteng naninirahan malapit sa MRF ay hindi na makayanan ang amoy na nanggagaling dito dahil sa mga tambak na basura na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahakot ng ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation.

Nagkakasakit na rin ang mga bata dahil sa mabahong amoy na kanilang nasisingkot.

Pahayag pa ni Sualog na kailangan na ng mabilisang aksyon para dito lalo na ngayong unti-unti nang dumadami ang mga bisita na nagtutungo sa isla ng Boracay.

“Pero sa subong, ang akon lang tani ginahinyu sa LGU ang immediate solution bala nga… ang bio-waste bala masolusyunan, kay damu na bisita subong tapos ang aton mga residente nagapalibot dira sa MRF, nagapenitensiya.”

Giit pa ng punong barangay, kung ganito lamang aniya ang sitwasyon, mas maiging ipawalang-bisa ang kontrata ng LGU-Malay at ng ECOS.

Saad pa nito na mas makabubuting ibalik na lamang ang pagpapatupad ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Program upang makapag-perform ang bawat barangay sa kanilang bayan.

Binigyan-diin din ni Sualog na ang paghahakot ng basura mula sa kanilang MRF ay hindi na obligasyon ng tao kundi ng gobyerno.