Connect with us

Aklan News

Mark Sy, pormal nang nagbitiw sa pwesto bilang barangay kagawad ng Poblacion, Kalibo

Published

on

MARK SY, PORMAL NANG NAGBITIW SA PWESTO BILANG BARANGAY KAGAWAD NG KALIBO

BINAKANTE na ni Mark Mitchell Sy ang kanyang pwesto bilang barangay kagawad ng Poblacion, Kalibo.

Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Neil Candelario sa panayam ng Radyo Todo.

Kaugnay nito, inihayag ni Candelario na kasabay ng kanilang 5th regular session, ay nagsumite rin ng letter of intent si Mark Eric Sy para sa nabakanteng posisyon ng kanyang kapatid.

Binigyan-diin ni kapitan Candelario na ang konseho ang magdedesisyon kung sino ang kanilang irerekomenda sa opisina ng alkalde at ang alkalde na ang pipili ng i-a-appoint.

“Of course, ro atong barangay council kara ro maga-decide kung sin-o ro andang i-recommend sa opisina it atong Mayor ag ro atong Mayor rayon ro ga-appoint,” paliwanag ni kap Neil.

Samantala, hindi aniya applicable dito ang tinatawag na Rule of Succession batay na rin sa Local Government Code

“Owa ro Rule of Succession karon according mat-a sa aton nga Local Government Code.”

After nga oa eon man gid it may mag-interest or ever man nga may una ag nakapili eon ro aton nga mga members it barangay council hay maubra kami it sangka resolusyon, recommending sa aton nga Office of the Mayor… kay Mayor Juris Sucro nga ro hapilian it aton nga konseho hay raya nga persona,” dagdag pa ng opisyal.

Si dating barangay kagawad Mark Mitchell Sy ay kasalukuyang Barangay Affairs Chief ng LGU Kalibo.

Samantala, maliban kay Sy ay nagbitiw din sa pwesto ang barangay secretary at treasurer ng barangay Poblacion.