Aklan News
MAS MAHIGPIT NA MGCQ PROTOCOLS, IPATUTUPAD SA AKLAN KASUNOD NG PAGLOBO NG COVID-19 CASES
Ipapatupad sa Aklan ang mas mahigpit na implementasyon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) Protocols.
Ito ang napagkasunduan sa Emergency meeting ng Aklan Inter-Agency Task Force for COVID-19 ngayong araw na dinaluhan ng mga municipal mayors, municipal health officers at iba’t-ibnag ahensya.
Kasama sa napagdiskusyunan ang paglimita sa paggalaw ng mga vulnerable groups gaya ng mga senior citizens at menor de edad, operasyon ng mga establisyemento at travel guidelines sa mga high risk municipalities at protocols para sa mga returning residents.
Kasalukuyang nasa high risk ang mga bayan ng
Altavas, Balete, Ibajay, Lezo, Kalibo at Malay habang nasa moderate risks naman ang Malinao, New Washington at Numancia.
Inaasahang maglalabas ng bagong guidelines ng gobernador ngayong linggo kaugnay nito.