Aklan News
MASS SWABBING SA CATICLAN AIRPORT, ISINAGAWA DAHIL MAY MGA EMPLEYADONG NAGPOSITIBO SA COVID
Nagsagawa ng intensified testing ang Aklan Provincial Health Office (PHO) sa mga empleyado ng Boracay Airport o Godofredo Ramos Airport kahapon at ngayong araw.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, ang nasabing hakbang ay para masiguro na ligtas ang mga turistang dadaan at ang ibang mga empleyado ng paliparan sa Covid-19.
Aniya, unang nagpositibo sa COVID-19 ang apat (4) na mga empleyado kung saan 9 sa mga nakasalamuha ng mga ito ang nagpositibo rin sa virus.
Kaugnay nito, 104 na mga frontline workers na ang nakuhaan ng swab sample kahapon at may natitira pa umanong 153 empleyado na kailangan iswab ngayon.
Ang mga tapos nang ma-swab ay pinayuhan na mag-quarantine at kapag nagnegatibo ang resulta ng swab test ay agad naman silang papayagan na makabalik sa trabaho para hindi maapektuhan ang kanilang gawain.
Wala naman diumanong dapat ikabahala ang mga turistang dumadaan dito dahil nadis-infect na ang paliparan at patuloy ang operation nito.
Ang nasabing paliparan ay privately operated ng Trans Aire ng San Miguel Corporation. /MAS