Connect with us

Aklan News

Matinding buhos ng ulan sa Balete, nagdulot ng landslide; 3 motorsiklo, natabunan

Published

on

Natabunan ng lupa ang tatlong motosiklo habang tumba naman ang isang bahay nang dahil sa landslide sa Sitio Mapait, Brgy. Aranas, Balete dakong alas-11:00 kagabi.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Rosemarie Abas, kasabay umano ng buhos ng ulan ay nakaramdam sila ng unti unting pagguho ng lupa sa gilid ng kanilang bahay.

Nang tignan sa labas ay doon nakita na marami nang lupa at puno ang dumadausdos.

Agad silang nagdesisyon na umalis at tumungo muna sa kanilang kapamilya para doon makitulog dahil nakapalibot sa kanila ang bangin na posibleng magdulot rin ng landslide.

Samantala, kaninang umaga ay nadatnan nilang natabunan na ang tatlong motorsiklo at tumba na rin ang bahay na pinapagawa pa lamang ngunit tinitirhan na ng pamilya ng anak ni Rosemarie.

Maswerte umano at walang tao roon at nakaalis agad sila nang tuluyang gumuho ang lupa.

Sa ngayon ay nakuha na ang mga motorsiklo ngunit marami paring gamit ang natabunan ng lupa mula sa bahay na natumba.

Nananawagan naman ang mga biktima sa lokal na pamahalaan ng Balete na sila ay matulungan.