Connect with us

Aklan News

MAXIMUM DAILY TESTING CAPACITY NG AKLAN MOLECULAR LABORATORY, DINAGDAGAN

Published

on

Aklan Molecular Laboratory

Halos 100 porsyento ng maximum daily testing capacity ng Molecular Laboratory ng Aklan Provincial Hospital ang kanilang natatanggap na swab samples para iproseso.

Ayon sa impormasyong nakarating sa Radyo Todo, 200-250 lang ang kayang iproseso ng laboratoryo para sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) sa kada araw.

Ngunit nakakatanggap sila ng halos 300-600 swab samples kada araw na sobra na sa kapasidad nito.

Dahil dito ay itinaas sa 300 ang maximum daily capacity na isinasailalim sa pagsusuri.

Karamihan sa mga natatanggap na samples ng Molecular Laboratory ay ang mula sa mga na-contact traced na mga high at medium risk close contacts ng mga naunang nagpopositibo sa Covid 19 sa mga bayan ng Aklan.

Meron naman itinakdang 72 hours o tatlong araw na dapat ay matapos nila ang proseso mula sa pagtanggap hanggang sa paglabas ng resulta.

Prayoridad ngayon ng laboratoryo para sa same-day releasing ay ang mga pasyente na naka admit sa mga hospitals at faslane na mga kliyente basta matanggap lang nila ang swab samples bago mag alas 10 ng umaga.

Maalalang, tumaas ang numero ng mga nagpopositibo sa Covid 19 sa Aklan nitong nakaraang mga araw dahilan kung kaya’t mas hinigpitan ang pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Sundin palagi ang minimum health protocols: Magsuot ng facemask/faceshield, maghugas ng kamay at mag physical distancing.