Connect with us

Aklan News

Maximum na multa sa mga empleyado sa Boracay, nakasaad sa Sanitation Code

Published

on

Boracay island – DINIPENSAHAN ng LGU Malay ang ipinapatupad na 2,500 na multa sa mga mangagawa sa Boracay na walang Health Card o nagpaso na.

Ayon kay Malay Sanitary Officer Baby Lyn Frondoza, nakasaad sa inaprobahang Sanitation Code ng Malay na 2,500 agad ang multa dito at wala na itong 1st at 2nd offense na mas mababang multa.

Ipinaliwanag pa ni Frondoza na dapat ay alam ng empleyado kung kailan ang expiration ng kanyang helath card na mayroong 1 year validity mula ng ito ay naibigay sa kanya.

Requirement sa Business permit ang Health Card ng lahat ng mga empleyado ng hotels at restaurants sa Boracay para mapasiguro ang kaligtasan ng mga turista at kapwa empleyado at maari itong kunin ano mang petsa sa halagang 275 pesos.

Ngunit mas marami ang nagsasabay sabay sa pagkuha sa Enero at Pebrero kung saan irerenew din nag business permit kung kaya’t humahaba ang pila at nakikita na expired na ang ibang health card na kailangang bayaran muna ang multang 2,500 pesos.

Mas pinaigting ang pagpapatupad nito matapos maglabas ng Executive Order ni Acting Mayor Frolibar Bautista noong nakaraang January 6.