Aklan News
May-ari ng tindahan ng beauty products, nabudol ng P4000
Nabiktima ng pambubudol ang isang babaeng may-ari ng tindahan ng mga beauty products sa Regalado Street, Poblacion, Kalibo.
Batay sa reklamo ng biktima sa pulisya, isang babae ang pumunta kahapon sa kanyang tindahan at nag-order ng P30,000 na halaga ng beauty products.
Nag-usap pa umano sila ng halos isang oras hanggang sa may tumawag sa babae na nagsasabing naaksidente ang asawa nito.
Kaya nanghiram ang babae ng P4000 sa biktima para raw mai-settle ang aksidente at di na umabot sa pulisya.
Nagtiwala naman ang biktima at nagbigay ng pera pero hindi na muling bumalik ang babae.
Minabuti na lang ng biktima na ipa-record ang pangyayari sa pulisya.
Continue Reading