Aklan News
Mayor Bagto Zapata, kakausapin ang contractor ng poblacion-magugba bridge para mabilis ang konstruksyon ng tulay


Kakausapin ni mayor Bagto Zapata ang contractor ng poblacion – magugba bridge upang mapabilis ang konstruksyon ng phase 2 ng nasabing tulay sa bayan ng libacao.
Sa panayam ng media kay zapata ngayong araw kasabay ng kanyang pag-upo bilang alkalde ng libacao, inihayag nito na isa ito sa kanyang pagbibigyan ng pansin kahit sa madaling panahon ng kanyang panunungkulan.
Aniya pa, nais niyang matapos na ito dahil parating na ang tag-ulan at baka ito pa ang maging dahilan ng pagka-antala ng proyekto.
Gagawin niya umano ang lahat at makikipag-coordinate siya sa aklan provincial government para mapabilis ito.
Si Zapata ay pormal na naupo ngayong araw bilang alkalde ng Libacao kasunod ng dismissal order ng Office of the Ombudsman sa mag-amang Charito at Vincent Navarosa dahil sa kinakaharap na kasong grave misconduct.