Connect with us

Aklan News

Mayor Bautista, hindi pinagbigyan ang nais ng SB Malay na ipasara ang borders ng munisipalidad

Published

on

HINDI PINAHINTULUTAN ni Acting Mayor Frolibar Bautista ang nais ng Sangguniang Bayan na ipasara ang borders ng bayan ng Malay dahil sa local transmission.

Pinirmahan ng alkalde ang Executive Order No. 46 na tumututol sa Resolution No. 149, series of 2020 ng SB Malay.

Napagdesisyunan ito sa nangyaring emergency meeting kanina kasama ang Malay Inter-Agency Task Force Against COVID-19, Municipal Incident Management Team, at ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Napag-usapan sa nasabing pulong ang mga umiiral na protocols na nagmumula sa National and Regional IATF upang mahanapan ng basehan ang SB Resolution.

Base sa Zoning Containment Strategy ng National Task Force, ang bayan ng Malay ay kinikilala bilang Area Outside Buffer Zone (OBZ) kaya ang quarantine classification ay mananatili sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Matatandaan na nagpasa rin ng advisory ang DILG Region 6 na kung saan inuutusan ang lahat ng LGUs na ang lahat ng Executive Orders ay dapat alinsunod sa National Guidelines ng IATF-EID.