Connect with us

Aklan News

MAYOR BAUTISTA NG MALAY, GUMAWA NG HAKBANG KUNG PAANO MAKA-UWI ANG MGA AKLANON WORKERS

Published

on

Magandang balita para sa mga Aklanon Workers na kasalukuyang nasa bayan ng Malay at isla ng Boracay na gustong umuwi sa kani-kanilang lugar sa loob ng Aklan.

Ayon sa facebook post ng LGU Malay, sinabi ni Mayor Frolibar Bautista ang ilang mga hakbang o pamamaraan kung paano maka-uwi ang mga Aklanon Workers sa mga lugar nito.

Narito ang mga paraan:

Step 1: Humingi ng CERTIFICATE OF ACCEPTANCE mula sa Punong Barangay ng barangay na inyong uuwian

Step 2: Humingi ng CERTIFICATE OF ACCEPTANCE mula sa Mayor ng bayan na inyong uuwian

TANONG: Bakit kailangan ito? Dahil kailangan po ng LGU Malay na masigurado na ang mga workers na lalabas ng bayan ng Malay ay may tiyak na uuwian at sila ay tatanggapin.

Step 3: Mag-apply ng MHO Certification.

Sa pag-apply ng MHO Certification, mangyari lamang na ibigay ang
BUONG PANGALAN (kasama ang Sr. Jr. II, III, at iba pa), edad, kasarian, address sa Malay, at address sa uuwiang bayan.

Step 4: Kunin ang MHO Certification mula sa Municipal Health Office ng Malay.

Step 5: Asikasuhin ang sasakyang bangka at land transportation.
Maaaring makipag-ugnayan sa LGU ng bayan na inyong uuwian patungkol dito.

Step 6: Kumuha ng Travel Pass mula sa Malay Office of the Municipal Mayor.

Step 7: Maghanda sa Final Assessment kung saan ang mga dokumentong inyong inihanda ay iche-check pati na rin ang inyong sasakyang gagamitin.

PAALALA:

Ang MHO Certification ay ibibigay lamang ISANG ARAW bago ang inyong pag-alis.

Siguraduhin na kumpleto na ang lahat ng requirements pati ang sasakyan na gagamitin bago kumuha ng MHO Certification.

Para sa mga concerns patungkol sa advisory na ito, maaaring tumawag sa PESO Malay sa teleponong (036)288-8855.