Connect with us

Aklan News

MAYOR EMERSON LACHICA, INIULAT ANG MGA NAGAWA SA KANYANG 1ST 100 DAYS

Published

on

Masayang iniulat ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang kanyang mga nagawa sa loob unang 100 araw.

Sa kanyang speech sa loob ng humigit-kumulang 44 na minuto, unang ibinalita ng alkalde ang mga infrastructure projects sa kanyang administrasyon.

Ilan dito ang construction/rehabilitation ng drainage system sa Andagao, Veterans Avenue at bahagi ng Calacuchi Road.

Ibinalita rin nito tungkol sa natapos nang pagpapapintura sa hanging bridge ng Bakhaw Sur at Bakhaw Norte, maging ang nasa phase 3 na umanong hanging bridge ng Bakhaw Sur na komokonekta sa Sitio Pegados na nagkakahalaga ng 3 milyong piso.

Kaugnay pa nito, ipinangako ng alkalde na kanya itong tatapusin na sinimulan namang gawin ng kanyang kapatid na si former mayor William Lachica.

Maliban dito, ipinagpatuloy din umano at tututukan ni mayor Emerson ang maintenance at cleanliness program para sa General Services.

Samantala, iniulat din ng alkalde ang tungkol sa implementasyon ng road clearing operation.

Bagama’t aminado siyang may mga naging problema, ipinagmalaki naman ni mayor Emerson na nakipagtulungan ang mga madadaanan ng clearing operation dahil ang mga ito din ang nagself-demolish.

Ibinida pa ng alkalde ang kanilang mga blood donation drive, dengue treatment and awareness, paglagay ng medical outpost sa Kalibo public market at pagtalaga ng municipal aid team sa Bureau of Fire Kalibo.

Kaugnay sa kanyang mga iniulat, hiniling ng alkalde ang patuloy na kooperasyon ng lahat para patuloy na pag-unlad ng Kalibo.

Dinaluhan kahapon ng ibat’-ibang department heads, media, Kalibo Sangguniang Bayan members, at mismong pamilya ni mayor Emerson Lachica ang nasabing palatuntunan, maging ng kanyang kapatid na si mayor William Lachica.