Connect with us

Aklan News

Mayor Fromy Bautista pabor sa kontrobersyal na Nabas Wind Project Phase 2 kapag na-comply ng PetroWind ang mitigating measures

Published

on

File Photo: Diadem Kee/Radyo Todo Aklan

Handa si Malay Mayor Frolibar Bautista na bigyan ng permit ang Nabas Wind Power Project (Phase 2) ng PetroWind Energy Inc. kapag na-comply nito ang mga mitigating measures na tulad umano ng ginawa sa Napaan River sa Phase 1.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ng alkalde na noong una ay salungat din siya sa nasabing proyekto dahill sa nangyari sa Napaan River Watershed sa Phase 1 ng proyekto.

“Ako actually against sa ruyon nga project dahil sa natabo ngaron sa Napaan river nga umpisa ngato it Phase 1,” saad nito.

Pero nang magsagawa ng konsultasyon at nang makausap niya umano ang taga PetroWind ay napag-alaman nito na may mga paraan umano para maiwasan ang nangyari sa Phase 1.

“Pag-proceed nanda during my consultation, nakita ko may mga paagi gali nga dapat himuon para indi matabo ro nangyari sa Napaan,” lahad nito.

Salaysay niya, unang nagtayo ng mga wind turbines ang Petrowind sa Phase 1 bago sila nagsagawa ng mga mitigating measures kaya naapektuhan ang Napaan River.

Kaya dapat raw sa ngayon ay unahin munang isagawa ang mga mitigating measures bago itayo ang mga turbines.

“So makon kun ibutang niyo ro mga measures indi matabo na, dahil sa una abi ro natabo sa Napaan, gin ubra nanda ro mga turbine ngaron bago sanda magbutang it mga mitigating measures hay makon dapat hay baliskaron naton, unahon naton ang mitigating measures bago ubrahon ro turbine,” paliwanag pa ni Bautista.

Sa ngayon umano ay naayos na ang Napaan na ang ibig sabihin ay epektibo ang mga hakbang na ginawa nang magkaproblema sa Phase 1.

“Unahon anay ang kalsada pasaka sa bukid ag kung may kalsada na, ibutang nanda ro mga mitigating measures ag saka sanda mag-umpisa it ubra it mga wind turbines ngaron, so kung kumpleto eon sanda ag ayos eon hay pwede eon sanda taw-an it permit.”

Magugunitang ipinaabot ng mga residente sa alkalde at SB committee hearing ang kanilang pagtutol sa Phase 2 ng Nabas Wind Power Project dahil sa pangambang masamang epekto nito sa Nabaoy River na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng malinis na tubig na dini-distribute sa Boracay.