Connect with us

Aklan News

MAYOR LACHICA AT VM DELA CRUZ MAY “GENTLEMEN’S AGREEMENT” TUNGKOL SA KONTRATA NG MGA JOB ORDERS (JO) AT CONTRACTS OF SERVICE PERSONNEL?

Published

on

Nagkaroon ng “gentlemen’s agreement” sa pagitan ni Mayor Emerson Lachica at Vice-mayor Cynthia Dela Cruz kaugnay ng isyu na kung sino ang may otoridad na mag-hire ng mga Job Orders (JO) at Contracts of Service Personnel.

Ito ang pagdidiin ni Mayor Lachica sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon sa alkalde na noon pa’y nagkaroon na sila ng “gentlemen’s agreement” o pagkasundo ukol dito bagamat parang hindi naman nasunod.

“Actually may amon nga gentlemen’s agreement kato ni vice ngane hay owa ta ginsunda, baea hay makaron hay duyon ngane ro pangutana”, tugon ni Lachica.

Paglilinaw nito na sa ilalim ng Local Government Code nakasaad na ang dapat pumirma sa kontrata ng mga J.O. at Contracts of Service Personnel ay ang local na punong ehekutibo.

“Ro una abi sa local government code hay, tanan nga gapirma hay local chief executive”, ani ng alkalde.

Aniya ito ay dahil kumakatawan dito ay ang bayan ng Kalibo kaya marapat lamang na ang pumirma ay ang alkalde.

“..so once nga gina-represent mo ro municipality of Kalibo hay natural nga Mayor ro nagapirma.”, pahayag ni Lachica.

Dagdag pa ng alkalde na wala na ngayong tinatawag na contractual kung saan noon ay puwede pang pumirma ang bise-alkalde sa appointment ng mga ito subalit sa ngayon ay binago na nila kung saan ang tawag na ay Job Order at Contract of Services.

“Makaron abi hay owa eon it contractual nga ginatawag, hay dati may contractual don nga ro vice mayor hay pwede kapirma sa appointment it contractual, hay makaron hay gina alter naton nga job order ag contract of services”, dagdag pa ng alkalde.

Matatandaan na pormal na sumulat si Vice Mayor Dela Cruz sa Department Of Interior and Local Government (DILG) upang itanong kung sino ang may otoridad na mag-hire ng Job Orders at Contract of Service Personnel.

Tumugon naman dito ang DILG kung saan pinayuhan ang bise-alkalde na dalhin ang naturang isyu sa korte para kaukulang aksyon.