Aklan News
MAYOR LACHICA, NILINAW ANG KONTROBERSIYA HINGGIL SA AYUDANG IPINAMAMAHAGI SA BARANGAY TIGAYON KALIBO


Nilinaw ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na bahagi ng 5000 foodpacks para sa mga tricycle drivers at operators ang sinasabing ayudang pinagkakaguluhan sa Barangay Tigayon kung saan nagkaroon ng pagkalito sa pagitan ng barangay council at ng mga mamamayan ng nasabing lugar.
Ayon kay Lachica na ang mga foodpacks na ito ay personal niyang hiningi sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga drayber at operator ng tricycle sa bayan ng Kalibo.
Sa kadahilanang kaunti lamang ang miyembro ng Toda sa Kalibo ay napagdesisyunan niyang hati-hatiin at ibagay ag sobrang foodpacks sa mga barangay ng Kalibo.
Dagdag pa ng alkalde, dahil sa kaunti na lamang ang natira, napagdesisyunan niyang atasan si dating barangay captain Andro Macabales na mamahala sa pagbigay ng nasabing foodpacks sa kanilang lugar.
Inamin din ni Lachica na hindi na niya ibinigay ang pamamahala sa distribution sa mga punong barangay upang maiwasan ang may magalit sa mga kapitan dahil sa limitadong numero ng ayudang ipamamahagi.
“…owa eon naton ginpa-agi sa aton nga mga barangay officials. Aton abi nga ginapinu-ino hay basi usuyan pa si kapitan, ro iba hay maadto kana ham-an owa sanda mataw-e, so ginpakamayad lang nakon sa iba lang nga mga tawo una sa barangay nga magpili idto para sa duyon nga foodpacks nga gintao katon it aton nga DSWD.”
Kaugnay nito, sinabi ni Lachica na kinailangan na nilang ipamahagi ang nasabing mga foodpacks upang maisumite na nila sa DSWD ang liquidation report para dito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Tigayon barangay captain Gil Morandante na wala naman itong problema sa kanya kung naabisuhan siya nang mas maaga bago ang pagdagsa ng mga tao sa kanilang barangay.
“…owa mat-a it problema, basta kun anda mat-a kakon nga gintawag kakon it temprano, hay owa mat-a it problema. Kapin si Mayor, kung nagtawag mat-a si Mayor kakon..”
Ang iniiwasan umano nila ayon kay punong barangay ay ang mangyaring pagdagsa ng tao sa kanilang barangay kung saan hindi maiiwasang malabag ang mga health protocols.
“…ro akon malang kara , para eat-a ro akon nga mga tawo idto hay indi magdueogsuan, tungod sayod man naton makaron ro pandemya, bawal katon mag magtipun-tipon it abo tungod kami man gihapon ro ginabasoe sa barangay..”
Nauna na dito ay ikinagulat ni Morandante ang maraming tao sa kanilang barangay na humihingi umano sa kanya ng Certificate of Indigency para sa ayudang ipamimigay ng munisipyo.